Bawal na ngayong bumiyahe pa sa highway ang mga tricycle at pedicab.
Nilinaw ng DILG na hindi na papayagan pang bumiyahe ang nabanggit na mga sasakyan sa mga pambansang kalsada sa bansa.
Ayon kay DILG spokesman Undersecretary Jonathan Malaya, batay na rin sa kanilang franchise and operating conditions, pinagbabawalan ng mga kasalukuyang transportation laws ang mga tricycle sa mga highway.
Hanggang secondary road lang aniya ang mga tricycle at pedicab, sa ilalim ng general community quarantine. (SDC)