IBA, ZAMBALES — Isang tricycle driver at dalawang pasahero nito ang patay habang isa pang sakay ang nakaligtas matapos mabangga ng isang van sa bayang ito kahapon.
Base sa report ng pulisya, naganap ang aksidente dakong alas-11:00 ng umaga sa kahabaan ng Brgy. San Agustin. Habang nagmamaneho ang driver ng van na si Florence Eclarino, 43-anyos ay bigla itong nawalan ng kontrol at mabangga ang tricycle na kasalubong nito.
Dead-on-arrival ang driver na si Angelito Nuñez at ang dalawang pasahero nito na sina Carlito Manuel at Vilma Nuñez habang ang kasama nilang si Bernardino Uncria ay nakaligtas bagama’t nagtamo rin ng mga sugat sa katawan.
Samantala, wala namang nasugatan sa apat na pasahero ni Eclarino. (Randy Datu)