Tinawag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang oposisyon at kilalang kritiko ng administrasyong Duterte si Sen. Antonio Trillanes IV na isang magaling na scriptwriter.

Ang pahayag ay gina­wa ni Aguirre kasunod ng tirada ng senador na inaabsuwelto ang negosyanteng si Kenneth Dong sa may P6.4 shabu shipment mula sa China.

“Amusing. I had a good laugh when I read it. We could all use the comic relief he provided,” ayon kay Aguirre.

Inamin ni Aguirre na maaring magamit ng gobyerno bilang state witness si Dong na tumayong middleman sa shabu shipment.

Gayunman, ito ay nakadepende sa magiging testimonya nito na kina­kailangang siya ang lala­bas na hindi pinaka-guilty sa mga akusado.

Sa halip na mambato ng putik si Trillanes, sinabi ni Aguirre na mas makabubuti kung sasabihin nito ang kinaroroonan ng self-confessed media killer na si Arturo Lascañas na umaming pumatay sa broadcaster na si Jun Pala.

“Since Senator Trillanes is into story writing nowadays, perhaps he should also tell all concerned and res­ponsible media practitioners where he is hiding the self-confessed media ­killer Arturo Lascañas, the man who admitted killing media man and radio anchor Jun Pala. Now that is a story worth telling,” ayon kay Aguirre.