Trillanes magpokus na lang sa kaso – Palasyo

Mas makabubuti kung pagtutuunan na lamang ng pansin ni Senador ­Antonio Trillanes IV ang mga depensa niya sa mga kasong isinampa laban sa kanya sa halip na mag-isip pa ng “smear tactics” laban sa administrasyong Duterte.

Ginawa ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang pahayag matapos na magpalabas ng kautusan ang Davao City Regional Trial Court na pinaaaresto si Trillanes sa kasong libel.

“Instead of facing this squarely, however, the Senator from Bicol ranted and released a fiery statement before the media attacking the Administration, as his usual style. Senator Trillanes is certainly out of his wits,” ayon kay Panelo.

Magugunita na noong nakalipas na Setyembre, sinampahan ng kasong ­libel ni dating Vice Mayor Paolo Duterte si Trillanes matapos siyang ­akusahan na korap.

Inakusahan umano ni Trillanes noong 2017 si Paolo at kanyang bayaw na si Manases Carpio na nangikil ng pera sa isang kompanya.

“His latest remarks prove once and for all that he is an incorrigible rouble rouser and perennial whiner, a false accuser who, when hailed to court, cries like a baby reminiscent of staging a coup and surrenders instantly even without a gun being fired from the government forces,” dagdag pa ni Panelo.

Sinabi pa ni Panelo na kahit sino, maging politiko o opisyal, ay may pananagutan sa kanilang aksiyon.
Hindi umano exempted ang senador sa prosekusyon sa mali niyang gawa.