Trillanes no show sa Makati-RTC

Muling ipinagpatu­loy ang pagdinig ng Makati City Regional Trial Court (RTC) ang kasong rebelyon laban kay Senador Antonio Trillanes IV sa Makati City kahapon ng hapon.

Dakong alas-dos nang hapon nang magsimula ang pagdinig sa sala ni Makati RTC Judge Elmo Alameda ng Branch 150 subalit ‘no show’ o hindi nakadalo si Trillanes na kung saan winave ng senador ang appea­rance nito.

Ang isinagawang pagdinig ay hinggil sa rebellion case na may kaugnay sa 2007 Manila Peninsula Siege na-dismiss na ito noong 2011, matapos na bigyan siya ng amnestiya ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino, ngunit binuhay ng Duterte Administration noong 2018.

Sa unang bahagi ng pagdinig, humirit si Atty. Reynaldo Robles, abogado ni Trillanes, na maglatag ng ‘furnished list’ ng mga testigo upang maiwasan ang mga sopresang saksi.

Ito’y para makapag-handa rin ang kampo ng senador, bago ang susunod na pagdinig.(Armida Rico)