Muling pinasaringan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Antonio Trillanes IV.

Sa oath taking ng Philippine National Police (PNP) Star Rank Officers sa Malacañang kahapon, inihayag ni Duterte na malaya ang senador na magkalkal at patunayan ang ibinibintang nito na mayroon siyang mahigit­ P200M na nakatago sa kanyang bank account.

“They have always checked oh noong eleksyon sinabi 211… itong Trillanes na b****. Sabi ko, sige, hanapin ninyo. Ngayong Presidente na ako sinabi ko, you have now the authority… I, as President, am ordering you to… Kalkalin mo ‘yung Rural Bank of Kidapawan. Baka dun nakadeposito,” pahayag ni Duterte.

Pinuna rin ng Pa­ngulo ang pag-aaklas ni Trillanes sa ilalim ng pamumuno noon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Komento ni Duterte, hindi naman totoong mata­pang si Trillanes dahil sumuko rin ito kaya pagdidiin ng Pangulo dapat lang na mahiya sa kanyang sarili ang senador.