Sinagot ni Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV ang mga paratang na nagtraydor siya sa bayan dahil sa pakikipag-usap kay US Senator Marco Rubio.

Nagtataka si Trillanes sa paulit-ulit na pagtawag sa kanyang traydor gayung mismong si Rubio na ang nagsabi na PH-US alliance, corruption at human rights situation ang kanilang pinag-usapan.

“Nagtraydor daw ako sa bayan. Ano naman ngayon ang tawag sa mga protektor ng isang presidenteng pumatay at nagpapapatay ng mga Pilipino, mga bayani? Pwede ba, umayos kayo!” pahayag ni Trillanes.

Una nang inamin ni Trillanes na nakipagkita siya sa ilang opisyal sa Estados Unidos subalit itinanggi ang alegasyon na layun ng kanyang biyahe na pigilan si US President Donald Trump na magtungo sa bansa sa susunod na buwan.

“Be assured that I pushed for the interests ofn our country. But let me emphasize that the interests of our country are not necessarily the same as the interests of Mr. Duterte,” saad ni Trillanes.