Ipapamukha umano ni Senador Antonio Trillanes IV sa mga kasamahan nitong senador na nagdududa sa kredebilidad ni Edgar Matobato na totoo ang mga sinasabi nito.

Si Matobato, ang self-confessed member ng Davao Death Squad (DDS) na nagdawit kay Pangulong Rodrigo Duterte sa mga patayan sa Davao City noong alkalde pa ito ng lungsod.

Kasabay ito ng pahayag ng senador na pi­lit umanong nililito at binubutasan ng mga kasamahan niyang senador, partikular ang mga kakampi ng administrasyon ang testimonya ni Matobato upang palabasing nagsisinungaling ito.

Ngunit tiniyak ni Trillanes, na sa mga susunod na pagdinig ay ipapamukha niya sa mga kasamahan niya na totoo at hindi nagsisinungaling si Matobato sa mga pinasabog nito.

“In the coming days, ipapakita ko sa kanila ang katotohanan na hindi masabi ni Matobato, ipapamukha natin sa ibang senador na habang kayo ay abala para lituhin ang isang grade 1, ako’y aba­la sa pagkalkal at pag-validate ng information na sinasabi,” ayon kay Trillanes.

Sa ngayon ay puspusan umano ang ginagawa niyang pagba-validate sa lahat ng nilalaman ng testimonya ni Matobato at nakakatiyak umano siyang masusuportahan ang mga sinasabi nito.

12 Responses

  1. Sya naman ang nasupalpal parang kindergarten hinde makasagot sa mga tanong ni Cayetano Kaya para makaiwas inilabas Nya ang asal gago Nya pero Nung hinamon ni Cayetano hinde naman kumasa

  2. Pinatalsik ng nakararaming senador si Sen. Delima dahil daw ibinabagsak niya (Delima) ang administrasyon ng pangulo sa pagdinig kay Mr. Matobato. Bakit, nagkaroon pa ng pangalawang pagdinig sa testigo gayong ito ang naging dahilan ng pagkakatalsik kay Sen. Delima? At tila magkakaroon pa yata ng muling pagtawag at pagtuturo sa mga di umanong dati niyang kasamahan sa DDS. Isa pa, tila pinipilit nilang gibain ang kredibilidad ni Matobato pero hindi nila magiba ang focus ni Mr. Matobato na si dating mayor Duterte ang utak ng pagtatayo ng DDS sa Davao at mga naganap na patayan sa naturang lungsod. Ito ang pinaka tampok ng kanyang pagharap sa senado na pinipilit gibain ng 16 na senador na nagpatalsik sa komisyon ni Sen. Delima.

    1. Brod, parang di ka yata nanonood ng balita. alam mo ba bakit pinatalsik si Delima?
      Marang di u yata alam gayung ng tatanong ka bakit may sumunod na pag dinig tungkol sa EJK. FYI lang at mas maganda cgru tanggalin mo salamin mo para mkakita ka. pinatalsik si De Lima dahil Bias siya. meaning di pa tapos ang kaso. hinusgahan nya na agad at naniniwala na agad siya na tama ang sinasabi ni Matobato. Gets mo. o hindi pa. kung di pa. Itigil u muna pag shashabu para mahimasmasan ka.

  3. Salamat Senator De Lima at Trillanes !!! Si Duterte ay ibinoto ng milyong Pilipino. Kung hindi sila naniniwala na magagawa ni Duterte ang mga krimen karapatan nila iyon Kung may kasalanan sya dapat lumabas ang totoo.