Binabati natin si Jojo Velasquez ng SC Stockfarm Inc. sa pagkaka-sweep ng kanyang kabayong si Sepfourteen sa 2017 Triple Crown Series matapos na manalo noong Linggo sa ikatlo at huling yugto ng serye.
Bukod sa kabuuang P5.5 million (P1.8 million kada leg), tumanggap din ito ng bonus na P1 million para maging ika-11 Triple Crown champion ng bansa mula nang ito’y pasimulan.
Dahil sa tinatamasang success ni Jojo, isang kampeonato sa karera na lang ang kanyang tiyak na inaasam ngayon. Ito ay ang Presidential Gold Cup, na puwede niyang salihan kung alin ang pupuwede sa bilang ng kanyang mga pambatong kabayo ngayong taon.
Sa Disyembre pa ang Gold Cup kaya ngayon pa lang ay tiyak nang pinagpaplanuhan na ito ni Jojo, lalo’t kailangang pahabain ang suwerte at success na kanilang tinatamasa. Congratulations uli, Jojo!
***
Isang matinding tulong ang ipinadala ng Japan para sa mga nasalanta ng labanan sa Marawi sa pamamagitan ng health, water, at sanitation programs ng UNICEF.
Tumanggap ng $800,000 grant ang UNICEF Philippines ayon kay Lotta Sylwander sa pamamagitan ng Japan Embassy sa Maynila.
“UNICEF thanks the government of Japan for the generous support that will enable us to scale up response to the displaced and affected population of Marawi.
Access to immunization, nutrition, safe drinking water, and clean sanitation is a fundamental human right of children and families we serve.
Impeded access of these life-saving services poses significant public health threat and adversely affects the livelihoods and safety of women and children to further exacerbates humanitarian crisis and displacement,” ani Sylwander.
kung sasali si sefourteen sa gold cup at mapapagwagian sya ang ika 7 kabayo ang naka grand slam [winning the tripple crown and presidential gold cup at desame year]mahahanay sya kina fair and square, skywalker , time master , sun dancer real top at hagdang bato bale ang mabigat na makakalaban nya ay si radio active at malaki ang tsansang makasilat si dewey boulevard at under wood .