Bulilyaso sa San Beda University (SBC) at Emilio Aguinaldo College (EAC) ang asam ng University of Perpetual Help (UPH) na triple-crown makalipas ang 94th NCAA beach volleyball tournament sa SM By the Sands sa Pasay City.
Natalo sa unang dalawang laro dahil sa forfeiture ang kambal na sina Ella at Nieza Viray ng SBU, pero hinarurot ang walong sumunod na laro tampok ang pagkaldag kina UPH rookies Dana Persa at Deana Estanislao 21-11, 21-15 sa finals upang sikwatin ang pangalawang sunod na korona sa women’s division.
“Our first two games were forfeited because the undies we wore were of different design,” saad ni Ella, na bata pa lang ay nagbi-beach volleyball na sa Lingayen, Pangasinan.
Parehong kumukuha ng kursong Physical Education-Sports, sinabi ng magkapatid na sisikapin nilang mag-three peat sa sususnod na season bago lisanin ang collegiate career.
“We’ll go for it before we graduate next year,” hayag ni Nieza.
Hinablot naman nina Joshua Pitogo at Joshua Mina ng EAC ang second straight men’s title sa paggiba kina Gilbert Ghill Balmores at Jay Jay Solamillo ng Altas, 21-19, 17-21, 15-13.
Naiiwas ng Junior Altas sa pagkabokya sa kampeonato ang Las Piñas-based squad nang payukuin ang Letran, 19-21, 21-12, 15-7 sa jr. finals.