Triplets ni Davao Mayor Sara inintriga sa social media

“Too early to rejoice over 7 weeker lalo na triplets. Wait for deliver and spare oneself from heartache. PR for lolo?”

Ang tweet na ito ni Racquel Fortun @Doc4Dead ang umagaw ng pansin sa pitong linggong buntis na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kahapon kaya rumesbak ito sa tweet.

“Ah yes PR pero bago ka mag-tweet basahin mo muna yung PR ng hindi ka magmukhang dugyot na ampalaya. Please take note, that public officials need to explain their absence in important events.

And when I do get the heartache, it will still be a media blitz and when we defy the odds it will be a PR fiesta and you will still be Miss Bittermelon.

Problema sa imuha Miss kay di ka ganahan sa Lolo manunglo ka sa mga gisabak, 3 baya ni, buot pasabot ang gaba ani katulohon pud. Turn off your twitter, do your work, mind your own business and spare yourself the heartache,” ang sagot ni Mayor Sara.

Ang reaksyong ito ni Mayor Sara sa kanyang twitter account ay umani na ng mahigit sa 500 komento na karamihan ay naglalaman ng suporta sa pagbubuntis ng presidential daughter.

Nauna dito ay na­ging usap-usapan ang pag-anunsyo ni Sara sa kanyang pagbubuntis ng triplets.