Triplets nina Korina, Mar tinanggihan ng surrogate mom

Finally ay ipinakilalala na sa entertainment press ng mag-asawang Mar Roxas at Korina Sanchez ang kanilang kambal na anak na sina Pepe and Pilar.

Matatandaang isinilang ang kambal sa Pittsburgh, Pennsylvania noong nakaraang Pebrero via surrogacy. Kumbaga, ibang babae ang nagdala at nagsilang ng anak na ang punla (fertilized egg or embryo) ay galing mismo kina Mar at Korina.

Sa isang lunch tsikahan sa mag-asawa kahapon, masayang ibinahagi nina Mar at Koring ang karanasan bilang bagong parents. Game na game din silang nag-pictorial kasama ang dalawang bundle of joy nila. Needless to say, napakaganda nilang tingnan ngayon na isa na silang one big happy family.

Sa kuwento ni Korina, hindi na raw niya talaga inisip na magkakaroon pa siya ng anak at 54.

“Pero kasi, ayoko ng regret, that’s something that I really abhor. I don’t like living with regret, and before I regret not even trying, I have to try.

“So, I was turned down in New York, I was turned down in Singapore, they didn’t wanna work with me kasi mahihirapan na raw. Sabi ko, ‘ah mahihirapan lang ba? Ah puwede pa ‘yan.’ Di ba? Kasi ‘pag sinabi nilang hindi na talaga puwede, impossible, I won’t even believe them. You know, doctors can also be wrong. And they were. Because trinabaho ko talaga,” pahayag ni Korina.

Humingi raw siya ng tulong kay Vicki Belo sa surrogacy concierge din na ginamit nito noon.

When she first saw Pepe and ­Pilar, ayon sa host ng ­“Rated K,” ay surreal daw ang pakiramdam.

Si senatorial candidate Mar naman ay naluha raw nang makita ang kambal. Ani Korina, mababaw raw talaga ang luha ng asawa.

Ani Koring, isa lang daw dapat talaga ang balak nila at hindi kambal.

Pero they settled for twins dahil ayaw na raw ng surrogate mom ang triplets.

“Usually raw kasi ‘pag tatlo, dalawa lang (ang nabubuo). It’s really a miracle because it’s not usual that dalawa talaga mag-survive. Kung minsan nga, wala. Uulit ka nang uulit and that was our worry, kasi nga, baka maubusan ng embryo.”

Sa darating na Mother’s Day ngayong Mayo ay ito ang first Mother’s Day ni Korina with her twins at excited na siya.

“May costume na ang mga anak ko, nakakatuwa,” aniya pa.