Ngayong halos tapos na ang NBA season ay magagawa na ni Tristan Thompson na suyuin si Khloe Kardashian. Plano niya na muling makuha at ibalik sa dati ang relasyon nila.

Pagkatapos ng ginawa niyang pagtataksil at pagpatol kay Jordyn Woods. Hindi ito ang unang pagkakataon na nahuli ni Khloe si Tristan na nambabae.

Ngayong hindi na hectic ang kanyang schedule ay na-realize ni Tristan kung gaano kaimportante sa kanya si Khloe at ang kanilang anak. Parang ngayon lang lahat nagsi-sink in sa kanya ang katotohanang wala na sa kanya sina Khloe at True. Ngayon niya napagtanto na ayaw niyang mawala ang kanyang pamilya.

Alam naman ni Tristan na ito ay isang mahirap na laban pero handa niyang gawin ang lahat para maibalik ang dating tiwala at pagmamahal ni Khloe.
Gusto niyang bumalik ang kanyang pamilya at mapatawad siya. Kaya naman heto at madalas na siya nga­yong tumatawag-tawag kay Khloe. Hiniling niya kay Khloe kung pwede niyang makita ang 11-buwang gulang na anak. Pagkatapos ay sasamantalahin niya na ang pagkakataong makausap si Khloe.

Si Tristan ay hindi makakapasok sa NBA post season kaya nangangahulugan na pagkatapos ng kanilang huling regular na laro sa Abril 9, marami nang libreng oras si Tristan hanggang sa pagbalik na uli niya sa training camp sa Setyembre.

Gagamitin niya ang nasabing libreng oras para subukang makuha muli ang pagmamahal at tiwala ni Khloe. Plano ni Tristan na ipaalala kay Khloe ang maganda at masaya nilang pamilya noon kaya handa niyang gawin ang lahat para patawarin siya ng ina ng kanilang anak at muli siyang bigyan nito ng pangalawang pagkakataon para ipakita ang kanyang pagsisisi.

Isang tagahanga ang nag-tweet kay Khloe noong Marso 17 na “True only “needs” her mom, ay sinagot ni Khloe ang tagaha­nga ng… “Tristan Thompson is a good dad to her. My sweet and special baby True will NEVER be put in the middle of him and I. I can promise that.”

Magandang senya­les ang sinabi ni Khloe na kung mapapatunayan ni Tristan na handa na siyang maging mabuting ama kay True ay baka nga muli niyang mapapayag ito na ma­kabalik siya sa kanyang mag-ina. (Lourdes Fabian)