Isang American film ang “Rad” noong 1986 na kuwento tungkol sa isang batang BMX racer na pinagbidahan ng aktor na si Bill Allen.
***
Ang freestyle BMX ay bicycle motocross stunt riding. Isa itong extreme sport.
***
Ang unang photographic documentation ng BMX freestyle ay noong 1974 kung saan ipinakita sina Devin at Todd Bank habang sakay ng kanilang BMX bikes sa may walong talampakang taas na skateboard ramp na ginawa sa kanilang bahay sa West Los Angeles, California.
***
Isang BMX racer ang Fil-American na si Daniel Patric Caluag na lumahok sa BMX event ng 2013 Summer Olympics ngunit na-eliminate siya pagkatapos ng qualifying heat.
Nagwagi naman siya sa men’s elite gold medal ng 2013 Asian BMX Cycling Championships sa Singapore.
Noong Oktubre 2, 2014 ay nagwagi rin siya ng gold medal sa BMX Cycling ng 17th Asian Games 2014 na ginanap sa Incheon, South Korea.
Tinanghal si Calauag bilang 2014 Athlete of the Year ng Philippine Sportswriters Association