Pormal nang nagsampa ng reklamo si ABAP president Ricky Vargas, kasabay ng paghingi ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa pagdaraos ng Phi­lippine Olympic Committee (POC) elections sa Nobyembre 25.

Ayon sa tagapagsalita ni Vargas na si Atty. Chito Salud, kumpirmadong nag-file ng complaint ang kanyang kliyente sa Pasig Regional Trial Court, na kumukuwestiyon sa pagkaka-disqualify para tumakbong pangulo ng POC laban kay incumbent prexy Jose ‘Peping’ Cojuangco.

Hiniling din ni Vargas sa korte na ideklara siyang ‘eligible’ candidate para sa POC elections. Idinahilan niyang hindi siya binigyan ng ‘due process’ nang hindi payagang tumakbo ng National Olympic body’s election committee.

“Mr. Vargas was deprived of due process when the election committee disqua­lified him without any formal objection from a POC member and without due notice. Add to this the simplistic and myopic interpretation applied by the election committee to an indistinct eligibility requirement,” komento ni Atty. Salud. “We are advancing strong grounds for a favorable ruling by the court.”

Na-disqualifed si Vargas dahil umano sa pagkabigong makasunod sa requirement na dapat ay ‘active member’ ito para makatakbo. Na ayon sa POC election committee, ibig sabihin ng ‘active member’ ay palagiang dumadalo sa general assembly meeting.

Malabo rin anang kampo ni Vargas ang ‘active member’ requirement na ipinagdidiinan ng mga kaalyado ni Cojuangco.

“We’re asking the court to rule on the proper interpretation of active membership by harmonizing it with the relevant provisions of the by-laws,” komento pa ni Atty. Salud.