TRO sa ABS-CBN shutdown hinarang ng NTC

Hinarang ng National Telecommunications Commission (NTC) ang inihaing petisyon ng ABS-CBN na humihiling sa Supreme Court (SC) na mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) sa pagpapasara ng nasabing ahensya sa Kapamilya network.

Base sa 98 pahinang komento na inihain ng NTC nitong Martes, iginiit ng ahensya na mayroong basehan ang inisyu nilang cease and desist order noong Mayo 5 laban sa ABS-CBN

“The Cease and Desist Order was issued against the petitioner in compliance with the Constitution, applicable laws, 2006 National Telecommunications Commission Rules of Practice and Procedure, and existing jurisprudence, and on account of the lapse of the petitioner’s franchise,” giit ng NTC.

Sinabi pa nito na kailangang may prangkisa para makapag-operate ang alinmang broadcasting station sa Pilipinas.

“The NTC has the power to stop broadcasting operations in the absence of a legislative franchise,” ayon pa sa NTC.