Naghain ng Temporary Restraining Oder (TRO) si Albay Rep. Joey Sarte Salceda sa Supreme Court laban sa ‘provincial bus ban’ sa EDSA ng Metro Manila Development Authority’s (MMDA) at paglipat ng bus terminal Valenzuela City para sa mga bus mula sa hilaga, at sa Sta. Rosa, Laguna para naman sa mga galing timog.
Ang layo ng Sta Rosa ay Maynila ay halos 39 kilometro.
Binansagan ni Salceda ng ‘anti-majoritarian, anti-proletariat, anti- probinsiyanong mahihirap’ ang bus ban ng MMDA, na ayon sa kanya ay hindi solusyon sa masikip na trapik sa Me-tro Manila, at lilikha lamang ng ibayong pahirap, dagdag na oras at perhuwisyo sa mga ‘provincial commuters.’
“Ipagbabawal ng MMDA ang 6,000 provincial bus na ilang oras lang ang inilalagi sa Maynila ngunit hahayan namang palitan sila ng mga 20,000 iba’t-ibang sasakyan sa EDSA, kasama ang bagong itim na 14,000 Premium taxi (na hindi pa alam kung sino ang may-ari) na may P70 ‘flag down rate, 2,000 bagong P2P bus at libu-libong UV Express van. Anong klaseng solus-
yon ito,” tanong pa aniya. (Juliet de Loza-Cudia)