Bawal dumaan ngayon ang mga cargo truck at ilan pang sasakyan sa kahabaan ng Roxas Boulevard bunsod ng pagtatapos ng 50th Asociation of Southeast Asian Nations (ASEAN) Ministerial Meeting sa Philippine International Convention Center (PICC) sa lungsod ng Maynila.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mula sa kahabaan ng Gil Puyat Avenue hanggang P. Burgos ay bawal dumaan ang mga truck, maaari itong kumanan sa EDSA, kaliwa ng South Super Highway patungong Port Area.
Pinapayuhan din ng MMDA ang mga motorista na huwag dumaan sa malapit na besinidad ng Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex sa Pasay City, na kung saan idinadaos ang pagpupulong ng mga lider ng ibat ibang bansa sa Asya kasama ang Pilipinas.
Ang pinapayagan lamang dumaan dito ay ang mga delegado, foreign ministries at mga guest na dadalo sa papupulong.
Nabatid na sisimulan ang grand parade ngayong alas-tres ng hapon pati landmark lighting ng ASEAN lantern na hudyat ng pagtatapos ng mga pagpupulong ng mga delegado na nagsimula noong Agosto 2.
Kasabay nito ang blowing of horn sa Manila Bay at iba pang piling pantalan.