Dalawang guro ang nasawi habang 40 estud­yante ang sugatan matapos na mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang Elf truck sa Ala­mada, North Cotabato noong Sabado nang hapon.

Kinilala ang dalawang­ guro na sina Melanie Iglesia at Tohane Macalipat, kapwa nagtuturo sa Kabacan National High School.

Isinugod naman sa pagamutan ang mga nasugatang mag-aaral.

Base sa ulat, galing ang mga biktima sa isang seminar sa Asik-Asik Falls sa bayan ng Alamada at pauwi na sakay ng isang Elf truck na minamaneho ng isang Jorge Santos, nang mahulog ito sa bangin sa Brgy. Dado.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad na nawalan ng preno ang truck hanggang sa nahulog ito sa bangin na may 20 talampakan umano ang lalim mula sa national highway.