True to form

Tuwang-tuwa ang na-layoff na overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia dahil ilang araw lang ang lumipas ay tinupad na ng administrasyon ang pangakong magbigay ng financial assistance sa kanila.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay for release na ang P20,000 assistance per OFW sa ilang Saudi companies na nagtanggalan ng mga empleyado.

Bukod sa P20,000 ay may P6,000 rin para naman sa pamilya ng affected OFWs.
Ang mass layoff ay nangyari dahil sa patuloy na pagbagsak ng presyo ng krudo at oil-based pro­ducts tulad ng gasolina, diesel, atbp, sa pandaigdigang merkado.

Qualified

Qualified na tumanggap ng P20,000 at P6,000 na assistance ang mga na-layoff na OFWs sa mga sumusunod na kumpanya:

Mohammed al-Mojil Group (MMG), Saudi Bin Laden Group of Companies (SBG), Saudi Oger Ltd. (SOL), Mohammad Hameed Al-Bargash & Bros. Trading & Construction, Aluminum Company (ALUMCO L.L.C.), Rajeh H. Al Merri Contracting Company, Arabtec Construction L.L.C., at Real Estate Development and Investment Company.

Push it

Ang cash aid na ipinangako ni Labor Secretary Silvestre Bello on behalf ni Pangulong Duterte ay idi-distribute ng Philippine Overseas Labor Offices (POLO) sa Riyadh, Jeddah at Al-Khobar.

‘Yun namang mga OFW na nauna nang nakauwi ng Pilipinas ay makaka-avail pa rin ng cash assistance sa pagpunta sa pinakamalapit na OWWA regional office.

Sabi nga natin, kapansin-pansin ang pagiging masigasig at responsive ng OWWA kumpara noong nakaraang administrasyon.

Consistent

Well, it only shows that this administration puts its money where its mouth is. Kumbaga consistent na ang salita ay ginagawa or, to put it another way, it walks the talk.

Consistent rin naman ang nakaraang administration — consistent sa kawalan ng genuine concern sa OFWs at OFW families. Eh pero past is past. Pasalamat na lang talaga ang OFWs nga­yon na kasama ang OFWs sa top priority ng present administration.

***

Come Follow Me on Twitter @beeslist. And Chime In with your opinions or comments. Kung may pinagsisintir, email lang sa usapang_ofw@yahoo.com or tumawag sa phone number 551-5163.