Ilang araw na ang nakakaraan ay pinaringgan ni LeBron James si US President Donald Trump.

Nitong Biyernes, may fastbreak na atake naman ang US President sa Twitter.

“Lebron James was just interviewed by the dumbest man on television, Don Lemon. He made Lebron look smart, which isn’t easy to do. I like Mike!” tweet ni Trump (@realDo­naldTrump).

Sa isang interview sa CNN, tinanong ni Lemon kung ano ang masasabi ni LeBron sa pag-atake ni Trump sa mga black athlete tulad ni NFL (National Football League) player Colin Kapernick na lumuluhod kapag tinutugtog ang national anthem.

“(Trump) using sports to kinda divide us,” sagot ni James. “Sports has never been something that divides people. It’s always been something that brings someone together.”

Ang ‘Mike’ na binanggit ni Trump ay si Michael Jordan, ikinukumpara kay LeBron sa debate kung sino ang GOAT (greatest of all time) sa NBA. ()