Trump sumaludo sa UFC honcho

Bumuhos ang sports organizations sa United States sa paghingi ng payo kay Ultimate Fighting Championship honcho Dana Frederick White Jr. nang tagumpay niyang mairaos ang UFC 249 event sa kabila ng banta ng banta COVID-19.

“The leagues have reached out,” bulalas ng American businessman at current UFC president sa TMZ Live.

Kahit biglang itinuring siyang inspirasyon ngayon ng sports organizers, hindi naman nagdamot si White, nagpasabing magbibigay ng tip para magampanan rin ng ilang organisasyon na maipagpatuloy ang kanilang mga liga.

“Different states have reached out to us. And, we’re going to share this information with everybody,” aniya.

Walang hadlang naitawid noong Sabado [Linggo, Manila Time] ni White ang UFC 249 event na kinabibilangan ng mga bigating fighter.

Tagumpay ang event na hindi naman lumabag sa patakaran ng coronavirus disease 2019 health protocols nang gawing crowdless ito bilang precautionary measure sa mga fighter at staff ng organisasyon.

Bago rin pumasok ang fighters at staffs sa loob ng Arena, sumailalim ang mga ito sa COVID-19 test.

Dahil sa matagumpay na hakbang at naibalik ang sports kahit na may pinagdaraanang global outbreak pa, pinapurihan din si White ni US President Donald Trump. (Aivan Denzel Episcope)