‘Truth and Lies’ ni Ruffa, PINAPAKYAW

Ruffa Gutierrez

Labas na ang libro ni Ruffa Gutierrez na The Truth and Lies My Mother Told Me at maraming positive feedback tungkol doon.

Sobrang touched si Ruffa dahil marami siyang mga kaibigan na pinapakyaw ang kanyang libro para gawing Christmas gift.

Marami ang nagsasabing naaaliw sila sa pagbabasa ng libro ni Ruffa dahil nagpakatotoo roon ang former Miss World 1993 second princess at hindi ‘yon ‘filtered’.

Mamaya, may private event ang ABS-CBN Publishing para officially ay i-launch ang The Truth and Lies My Mother Told Me at ang alam namin, si Annabelle Rama ang sobrang excited para roon.

Buong Gutierrez family­ daw, darating sa launching na ‘yon.

Pero puwede bang wala ang boyfriend ni Ruffa na si Jordan Mouyal sa launch mamaya?

Magkita kaya sila ni Bisaya? Siguro naman, kahit magkita ang dalawa, walang magiging eksena dahil kailangang si Ruffa ang mag-shine mamaya sa launch ng sarili niyang libro, ‘noh?!

BTW, ang Cosmo Skin family ni Ruffa, sa pangunguna nina Niño Bautista at Red Gatus, nag-iisip na gumawa ng isang big event to help promote ‘yung libro ni Ruffa!

***

NASA isang coffee shop kami kahapon sa Shangri-La Mall nang makita’t makatsika­han namin ang mana­ger ni Robin Padilla na si Betchay Vidanes.

Kinumusta namin kay Betchay si Robin.
“Okey naman. Okey lang si Robin­. Umaasa pa rin na mabibigyan ng visa,” sabi ni Betchay.

Ilang beses nang nag-apply ng US visa si Robin, pero ilang beses na rin siyang hindi pinapalad na ma­bigyan.

Nang bigyan ni Presi­dent Rodrigo ‘Digong’ Duterte ng absolute pardon kamakailan si Ro­bin, muling nabuhayan ng lakas ng loob ang action star.

“Sana nga, mabigyan na ng visa si Ro­bin para madalaw na niya sa Amerika ang mag-ina niya. First Christmas pa naman nila na magkakasama sana.

“Eh, after three months pa raw kasi ng baby bago sila puwedeng umuwi ni Mariel.

“We’re hoping and praying na matupad ang wish ni Robin na magkaroon ng US visa,” ang very vocal pang kuwento ng talent manager.

***

Sobrang grateful si Bela Padilla sa Dreamscape Production ni Mr. Deo Endrinal.

Kahit kasi may mga intrigang naglabasan noon tungkol sa pagkawala niya sa Ang Probinsyano ni Coco Martin, still, may bago na naman siyang series under Dreams­cape Production.

Malapit na ngang mapanood sa ABS-CBN ang My Dear Heart na pagbibidahan nila ni Zanjoe Marudo.

Gusto ni Bela ang My Dear Heart dahil pambata ito at makakapagturo ito ng good vibes.