Dear Sir,
Nagpahayag si Maguindanao Rep. Sajig Mangudadatu na kapansin-pansin umano na karamihan ng may ayaw sa Martial Law ay taga-Luzon at Visayas. Malaking porsyento ng mga taga-Mindanao ang sang-ayon sa pagpapatuloy nito.
Tama ang naging pahayag na ito ni Rep. Mangudadatu, bakit nga naman hindi subukan ng mga kontra Martial Law ang tumira sa Mindanao nang sa gayon ay malaman nila kung dapat pa nga ba ang Martial Law o hindi.
Ang hirap kasi sa ibang kongresista at mga tumutuligsa kay Digong idinadaan lang nila ang lahat sa pulitika.
Sarado ang mga mata at tenga, sa tunay na nangyayari sa Mindanao, tikom naman ang bibig sa pagkundena sa mga tunay na nagdadala ng problema sa ating bansa.
Magagaling magsalita at kumondena ngunit wala silang pamamamaraan kung paano makakatulong sa pagpuksa at pagpigil sa terorismo. Ang mga kontra sa Martial Law ay magaling lang tumuligsa at magsalita ngunit wala naman silang magawa para sa bansa.
Owen Daez
Nueva Ecija
***
Dear Sir,
Hindi talaga dapat pinagkakatiwalaan ang mga NPA na ito. Ilang araw nang sunud-sunod ang ginagawa nilang pag-atake sa iba’t ibang parte ng bansa.
Kulang na yata sila sa pansin dahil sa Marawi nakatuon ang atensyon ng karamihan.
Hindi na ba sila kayang kontrolin ng CPP-NDF? O baka naman sila pa ang nagdidikta kung anong atake ang gagawin? Akala ko ba interesado silang ituloy ang peace talk?
Hindi yata akma ang mga binibitawan nilang pahayag sa mga ikinikilos nila. Tama ang Pangulo na pagduduhan ang intensyon ng mga rebeldeng ito.
Sayang lang ang oras na gugugulin sa pakikipag-usap sa kanila dahil hindi naman sila marunong tumupad sa napagkasunduan.
Barbara Diaz
tama doon muna patirahin si hontevirus.drillon,pangilinan at trellianes isama na si lagman at alejano para malaman nila ang kalagayan sa mindanao hindi iyong puro pamumulitika lang mga pinaggagawa syempre malapit na election.wla ng maniniwala sa inyo kaya tumigil na kayo sa kakatahol.