Tsamp: Donaire, Magsayo mga tsamp talaga

Prediksiyon ko noon pa man ay mana-­knockout ang mga kalaban nina Nonito Donaire Jr. at Mark Magsayo.

Kaya nang ako’y inimbita ng mag-amang Tony at Mike Aldeguer, may-ari ng ALA Promotions, na panoorin ang “Pinoy Pride” sa Cebu noong Sabado, agad kong tinanggap.

Walang pagsidlan ang aking tuwa sa aking nakita mula ringside.

Panalo by TKO si Magsayo sa 6th round laban kay Chris Avalos ng California, at knockout kay Donaire si Zsolt Bedak sa 3rd.

Kinabahan ang lahat nang bagsak sa 3rd si Magsayo.  Pero mabilis itong nakabangon. Yakap, ilag at yuko ang isinukli ni Magsayo.

Pahinga siya sa 4th. Balik-lakas sa 5th, paulan muli ng suntok si Magsayo at saved-by-the-bell si Avalos.

Sa 6th, itinigil ni reperi Rene Tapdasan ang laban nang walang habas na ginugulpi ni Magsayo si Avalos.

“Anong iniisip mo nang tumumba ka sa third round?” tanong ko kay Magsayo.

“Walang atrasan,” sagot niya, kabog ang puso. “May dibdib akong matibay at laban hanggang wakas.”

Nagtaka ang marami sa record crowd na 40,000 kasama sina Gov. Chavit Singson at PSC Chair Richie Garcia sa Cebu Sports Center kung bakit nakayanan ni Avalos (26-5-0) ang mga pamatay na suntok ni Magsayo (14-0, 11 KOs).

Matapos namang matumba si Bedak (25-2) ng 2 beses sa 2nd round mula sa mga left hooks ni Donaire, tuluyan nang natapos ang laban nang humiga muli sa 3rd ang Hungarian.­

Nang gabing iyon, natulog akong may ngiti sa aking mga labi.