Kung titingnan ang mga parameter at batay na rin sa opinyon ng mga eksperto, bumaba na sa 30 porsiyento ang posibilidad na magkaroon ng ma­lakas na pagsabog ang Bulkang Taal, ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum.

“We look at the mo­nitoring parameters that we have and binibigyan namin ng weight ito. We have experts that provide their opinion on what the data would be showing to us. Mayroon din ta­yong reference with the historical data that we have and the deposits that some of us have stu­died kino-combine namin ‘yan,” paliwanag ni Solidum kung paano nasabing 30% ang tiyansang pumutok muli ang Taal.

Sa pinakahuling mo­nitoring ng Phivolcs ay bumaba na ang mga naita­talang volcanic earthquake gayundin ang antas ng mga sulfur dioxide emission.

Ipinaliwanag ni Solidum na masasabi pa rin na mataas ang 30% lalo na sa mga residente na nasa loob ng 14km danger zone. (Tina Mendoza)