Tsansa ni Pauline sa Olympics lumakas

DAHIL sa kanselasyon ng 2020 Tokyo Olympics sa susunod na taon, mas lumaki ang tsansa ng mga taekwondo jin na sina SEA Games gold medallist Pauline Lopez, Dave Cea, Samuel Morrison at Kurt Bryan Barbosa.

Optimistiko ang Philippine Taekwondo Association (PTA) na mas magiging maganda ang tsansa ng mga national jin na makapagkuwalipika sa na-postpone na Olympicss.

Sinabi ni dating Olympian at PTA training director Stephen Fernandez na bagaman handa ang kanilang apat na national jins sa dapat sanang salihan na mga qualifying tournament ay nararapat lamang ang desisyon na i-postpone ang torneo dahil na rin sa panganib at bansa sa kalusugan ng mga atleta.

“Nakahanda naman kami in all eventualities,” sabi ni Fernandez. “We decided nga na ilayo ang mga alteta natin into the province for their training para makaiwas sa distraction. It turns out na may mas malaki pa palang situation na dapat na paghandaan,” sabi pa ni Fernandes ukol sa pagsasanay ng mga national jins sa Laguna.

Ang Olympic qualifying for Asia na orihinal na nakatakdang ganapin sa Abril 10-11 sa Wuxi, China ay nakansela dahil sa nakamamatay na Coronavirus. (Lito Oredo)