Tsismosa papatawan ng multa sa Aklan

Isang panukalang ordinansa ang inihain sa isang bayan ng Makato sa Aklan para maparusahan ang mga nagkakalat ng malisyosong kuwento o tsismis sa kanilang pamayanan.

Inihain ni Sangguniang Bayan member Abencio Torres III ang panukalang ‘An Ordinance Defining Malicious Gossips and Insidious Rumor-Mogering Known as Anti-Tsismis of Makato, Aklan’.

Hawak na ito ngayon ng Committee on Law and Ordinances, and Peace and Order ng Sangguniang Bayan.

Sa kanyang panukala, sinabi ni Torres na bagama’t may freedom of expression and speech ang mga residente, hindi naman aniya lubos ang karapatang ito, lalo pa kapag nagdudulot na ito ng kasamaan.

Nais ni Torres na pagmultahin ang mga mapapatunayang lumabag kapag pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Makato ang kanyang panukalang ordinansa. (Prince Golez)