Tsitsipas pinagsarhan ang ‘Pinas

Agad na pinutol ni World No. 6 Stefanos Tsitsipas ang pagsasaya ng pambansang koponan matapos nitong tapusin ang lahat ng pag-asa ng host Pilipinas sa isang himala sa pagbigo kay Jeson Patrombon, 6-2, 6-1, tungo sa pagselyo ng panalo sa Greece sa kanilang World Group II Davis Cup tie sa Philippine Columbian Association’s Plaza Dilao court sa Paco, Manila.

Muling nagpakita ng kanyang husay sa world class tennis ang 21-anyos na si Tsitsipas, na unang tinalo si AJ Lim sa tulad na iskor sa unang singles kahapon, upang ibigay sa Greeks ang 3-1 lead at ang panalo.

Habang isinusulat ito ay kasagupa ng nakababatang kapatid ni Tsitsipas na si Petros, na tinalo din si Petrombon, 6-2, 6-1, sa unang singles, ay kasagupa si Jed Olivarez, na pinalitan si Lim, sa hindi na mahalagang ikalima at huling laban.

“We’re looking forward to playing our next opponents,” sabi ni Tsitsipas, na tumapos na ikalawa kay Novak Djokovic sa Dubai Championship nakaraang linggo.

Una muna nakatikim ng pag-asa sa doubles ang Pilipinas matapos na magwagi sina Francis Casey Alcantara at Ruben Gonzales na tinalo sina Petros Tsitsipas at Markos Kalovelonis, 7-6 (5), 6-4, para bigyang pag-asa ang host.

Subalit iyon na lamang ang huling nagawa ng host matapos itala ni Tsitsipas ang tie-clinching win. (Lito Oredo)