Tubiera, BaliPure babawi sa Pacific

Tubiera, BaliPure babawi sa Pacific

Babawi ang ­BaliPure Purest mula sa ­pagwalis ng defending ­champion Creamline nitong ­Sabado, at reresbakan ang 1st round tormentor Pacific Town Army sa 3rd PVL Open Conference 2019 2nd round elims 2nd game mamayang alas-kuwatro ng hapon sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan.

Puputulin nina Grazielle Bombita at Menchie Tubiera at ang limang sunod na talo ng nasa ikawalong ­Purest Water Defenders na may hawak na pangkala­hatang barahang 2-8 win-loss.

Sasamantalahin ng Water Defenders ang ­pagliban nina coach coach Emilio ‘Kungfu’ Reyes, Jr. at opposite hitter Jovelyn ­Gonzaga para maiganti ang straight set loss sa ­ma­lamang ­pangunahan ni Royse Tubino na nasa panlimang Lady ­Troopers (4-5).

Naka-15 ­markers si Tubino at 13 si ­Tubiera sa laban kontra Chef’s Classic nitong ­Miyerkoles na kanilang napasakamay sa sa straight sets.

Alas-kuwatro ng hapon ang hambalusan ng BPP at PTA, tapos ng alas-dos ng hapong paluan ng nasa pampitong Choco Mucho ­(2-6) at nasa kulelat na Lady Red Spikers (0-9). (Aivan Denzel ­Episcope)