Tubig sa Angat, La Mesa dam nadagdagan

Bahagyang umangat ang level ng tubig sa Angat at La Mesa dam sa nakalipas na magdamag.

Maging ang antas ng tubig sa Ambuklao, Pantabangan, Magat at Caliraya ay pawang nadagdagan.

Sa datos mula sa PAGASA Hydrology Division, ang water level ng Angat dam ay umabot na sa 190.67 ganap na alas- 6:00 ng umaga ng Lunes, May 18. Mas tumaas ito kumpara sa 190.62 meters kahapon.

Ang La Mesa dam ay bahagya ring nadagdagan at ngayon ay nasa 76.21 meters.

Habang nabawasan naman ang water level sa Binga at San Roque dams.

Nabawasan din ng bahagya ang water level ng Ipo dam na ngayon ay nasa 100.61 meters.