Malayong umabot sa kritikal na level ang tubig ng Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan kahit naitala pa kahapon ang kakulangang sukat na 20 metro­ sa normal na kailangan para matiyak ang suplay­ na tubig para sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite.

Sa impormasyong nakalap sa tanggapan ng Provincial­ Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Malolos City, pumalo ang water level ng Angat Dam sa 193.47 meters malayo sa 212 meters na normal na sukat nito.

Ang malalakas na ulan na babagsak sa Angat ­watershed area dulot ng mga papasok pang bagyo sa bansa ang inaasahang magpapataas ng antas ng tubig sa reservoir.

One Response