Bahagyang tumaas ang level ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan bunsod ng mga nararanasang pag-ulan sa Luzon sanhi ng bagyong Egay.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astromical Services Administration (Pagasa) monitoring division, alas-sais nang umaga kamakalawa ay nakapagtala ang dam ng 160.29 meters ng water level na mas mataas ng .44 meters mula sa 159.85 meters na water level ng dam noong Lunes.
Nabatid na maging ang water level sa La Mesa Dam sa Lagro, Quezon City ay nakapagtala ng 72.23 meters na water level na mataas ng .47 meters mula sa 71.76 meters na water level noong Lunes.
Habang patuloy naman ang pagbaba ng water level sa ibang dam sa bansa dahil sa hindi pag-ulan sa mga lugar na kinaroroonan ng Ambuklao Dam sa Baguio, Pantabangan Dam sa Pampanga, San Roque Dam sa Dagupan at Ipo Dam sa Norzagaray Bulacan. (Juliet de Loza-Cudia)