Tubino, Malaluan, Doria dagdag armas ng Cignal

volleyball-player

Nadagdagan ng ma­lulupit na mga player ang Cignal matapos makasama sa line-up sina Royse Tubino, Lutgarda Malaluan at Roselyn Doria.

Masisilayan agad ang kanilang tikas sa pagbubukas ng Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference sa October 30 sa Filoil Flying V Centre sa San Juan, makakalaban nila ang tigasing F2 Logistics.

Ayon kay head coach Edgar Barroga, kumpirmadong hahataw sina Tubino, Malaluan at Doria para sa HD Spikers­ sa event na suportado ng Isuzu, Sogo, Senoh, Asics, Mikasa, Mueller, UCPB Gen, Bizooku at Genius Sports.

Kasama si Tubino sa Cignal nang magkampeon sila sa Invitational Conference nakaraang taon, magbabalik siya para pangunahan ang opensa ng HD Spikers habang sina Malaluan at Doria ang bahala sa depensa.

Makakatuwang ng tatlo sina skipper Rachel Anne Daquis, Janine Navarro, Rialen Sante, Jheck Dionela, Acy Masangkay, Cherry Vivas, Cindy Amutan, May Macatuno, Rap Aguilar, Shirley Salamagos at rising star Mylene Paat.