Hindi na biro. Seryosohan na ang pagpapasilip ng komedyanang si Tuesday Vargas.
Inakala nang marami na sa pagpapatawa lang at sa pagkanta magaling si Tuesday, pero may ibubuga rin siya sa paseksihan.
Sa kanyang bakasyon sa Boracay, sineryoso si Tuesday ng kanyang mga follower sa Instagram. Ito’y matapos masilip ang kanyang sexy body.
Sa unang tingin aakalain mong isang foreign girl ang nakabalandra sa IG wall, pero kapag sinipat mo at binasa ang caption nito, malalaman mo ang singer-performer pala ang nagmamay-ari ng larawang ito.
Mas mainit pa sa tirik na araw ang kaseksihan ni Tuesday na nababalutan ng langis ang kanyang katawan.
Kumikinang-kinang ang alindog nito.
Kilala naman si Tuesday sa pagiging palaban, sa pagiging liberal at sa kanyang katalinuhan.
Pero hindi sa tapang niyang magbilad ng kanyang katawan.
Pinatunayan ni Tuesday na hindi lahat ng komedyana ay hanggang sa comedy lang kumakana, Pasabog din siya.
At ang bentahe rin ni Tuesday sa kanyang mga kasabayan, ang mga tattoo niya sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na nakakaastig.