Tugade kinalampag sa DOTr projects

Sec. Arthur Tugade

Galaw-galaw. Work, work, work sa Build, Build, Build program. Magpasikat at magpakita ng pruweba. Pasalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte galing Japan, pakinabangan.

Ito ang paghimok ni House committee on appropriations chairman at Davao City Rep. Karlo Nograles sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para maipatupad ang Build, Build, Build program na ng gobyernong Duterte.

Partikular na nanawagan si Nograles sa Department of Transportation (DOTr) na mag-‘step up’ at iwasan ang backlog sa mga proyekto para hindi maantala ang tinawag nitong ‘Golden Age of Infrastructure’ ng administrasyong Duterte.

“Unfortunately, the people view the DOTr as one of the most underperforming agencies under President Duterte’s watch, mostly due to the never-ending traffic jams and MRT woes. In the end, the Chief Executive’s alter-egos in the Cabinet, in this case Secretary Art Tugade, must deliver,” pagdidiin ni Nograles.

Sa isinagawang deliberasyon ng House Appropriations Committee noong Agosto, ngayong taon sa panukalang budget ng iba’t ibang ahensya para sa taong 2018, nadiskubre na ilang proyekto sa ilalim ng DOTr para sa taong 2016 at 2017 ay hindi umaabante.

“We can no longer afford to work at this pace especially if we are to prove to Japan and our other benefactors that we are worth giving loans to,” pagpupunto ni Nograles.