DISMAYADO si Marcio Lassiter na hindi nakalaro sa Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup noong nakaraang buwan.

August pa lang bago ang Finals ng Commissioner’s Cup, nasa sidelines na si Lassiter dahil sa knee injury. Pinanood niya lang ang kanyang team na San Miguel Beer nang talunin sa titulo ang TNT.

Hindi na rin siya nakasama sa lineup ni coach Yeng Guiao sa FIBA joust sa China.

Makalipas ang halos dalawang buwan, nakabalik si Lassiter sa court. Unang salang niya sa Governors Cup ang 90-89 win ng SMB kontra Magnolia nitong Biyernes.

Nang buuin ng bagong coach ng national team na si Tim Cone ang pool para sa SEA Games, isinama niya sa listahan si Lassiter kahit nagpapagaling pa.

Hindi sasayangin ni Marcio ang pagkakataon na magsuot muli ng colors ng Pilipinas sa SEAG, nangako siyang makikipag-ensayo na.

Magandang balita ay hindi na raw sumasakit ang tuhod niya.

“Not necessarily hurting, this is more getting into game-shape,” ani Marcio. “Probably I’m like 70% right now.”

Lunes ay makikipag-ensayo na raw siya sa pool.

“I told them earlier that I’d joined the practices,” dagdag ng SMB gunner. “Honestly, this has been my third day of practice this week. I only have one scrimmage.”

Positibo lang daw siya na babalik na ang dating kondisyon bago ang men’s basketball competitions sa SEA Games sa December. (VE)