Iaanunsyo na ng Commission on Higher Education (CHED) sa susunod na linggo ang mga colleges at universities na aaprubahan nila na nag-apply para sa tuition fee hike.
Ayon sa ahensya, pag-uusapan pa ng Management Committee at titignan ang mga listahan ng mga nag-apply ng tuition fee hike kada rehiyon kung dapat nilang payagang magtaas ng tuition ang isang eskwelahan, at inaasahan na sa susunod na Martes nila ito ilalabas.
Siniguro naman ng CHED sa publiko na ang gagawing approval sa tuition fee hike application ng isang kolehiyo ay ibabase nila sa tinatawag na “measures average cost of providing education” na ibabase sa inflation rate ng isang rehiyon.
Dagdag pa ng CHED na mas kaunti kumpara nitong nakaraang taon ang mga nag-apply ng tuition hike kaya inaasahan na mas kaunti rin ang kanilang aaprubahan.
Matatandaan nitong nakaraang taon ay umabot lang sa 304 mula sa 1,659 na colleges at universities ang inaprubahan ng CHED sa buong bansa.