Tukod sa ekonomiya ang bagong Agri Free Patent Reform Act — Salceda

Walang duda na tutukod sa ekonomiya ang bagong ‘Agricultu­ral Free Patent Act’ (RA 11231 na nilagdaan kamakailan ni Pangulong Duterte.

Nakasaad sa batas ang pamumuhunan sa kabukiran na garantisadong magpapalago sa ambag ng agrikultura sa ekonomiya ng bansa.

Inaalis ng RA 11231 ang mga balakid sa mga may-ari ng lupang pansakahan at ‘free pa­tents’ na isangla o ibenta ang mga ito sa loob ng limang taon mula nang mapasa-kanila.

Sa ganitong paraan, iniiwasan din ng mga bangko dahil walang silbing buruhin nila ito nang ganun katagal bago mai-transaksyon.

Diin ni Albay Rep. Joey Salceda, na siyang pangunahing may-akda ng panukalang batas sa Kamara, padadaliin nito ang transaksyon sa mga bukirin at ‘pa­tents’ kaya inaasahang madaliang aarangkada ang pag-unlad ng sektor ng agrikultura dahil magagamit na rin nila itong sangla sa paghiram ng pondong kaila­ngan.