Dear Sir,
Natapos na rin ang mahigit limampung taong problema sa insurgency ng Colombia. Ito ay dahil sa usapang pangkapayapaan na naganap sa pagitan ng mga rebelde at gobyerno nila.
Maganda itong halimbawa na dapat sana ay mangyari rin dito sa ating bansa.
Sa kasalukuyan ay may usapang pangkapayapaan na nagaganap sa The Netherlands sa pagitan ng government peace panel ng ating bansa at mga namumuno sa New People’s Army gaya nina Joma Sison, Tiamzon couple at iba pa.
Sana ang magiging resulta nito ay ang pagwawakas na rin ng insurgency sa ating bansa.
Para wala ng alalahanin ang ating mga kababayan sa lugar kung saan nagkukuta ang mga rebeldeng NPA. Maging maayos na rin ang pamumuhay ng mga NPA sa piling ng kanilang pamilya at hindi na sila patago-tago.
Ito ang aking dalangin para ating bansa.
Vivienne B. Pabustan
Alaminos, Pangasinan