Himas rehas muli ang mag-live in partner sa Calaca, Batangas makaraang maaresto sa buy-bust operation sa Brgy. Alapan 1-A Imus, Cavite.
Sanib-puwersa ang Batangas Police at Drug Enforcement Unit ng Imus Component Police Station sa pagdakip sa mga suspek na sina Redgie Bobadilla at Mel Rose Sanoria na umalis umano sa Batangas at lumipat sa Cavite dahil sa mainit nilang sitwasyon.
Nabatid na sa Batangas ang unang meeting place ng mga suspek at ng poseur buyer ngunit nagbago ang isip nito at pinapunta ang huli sa Cavite pasado alas-10:00 Martes nang gabi.
Narekober sa dalawa ang higit sa 15 gramo ng hinihinalang shabu na aabot sa higit P100,000 at P500 buy-bust money
Ito ang ikaapat beses na naaresto si Bobadilla dahil sa iligal na droga at illegal possession of firearms. Habang pangalawang beses naman ni Sanoria, na parehong aminado na bukod sa pagbebenta ay gumagamit din ito ng iligal na droga.