Patay ang isang tulak ng ilegal na droga matapos umanong manlaban sa mga aarestong ope­ratiba ng Rosario Municipal Police Station sa ­Rosario, Cavite kahapon.

Ayon sa pulisya, dakong ala-1:30 ng mada­ling-araw nang magsagawa sila ng buy-bust operation laban sa suspek na si Joel Ibañez sa Barangay Silangan 2 subalit bigla umanong bumunot ng cal. .38 revolver at pinutukan ang mga operatiba kaya niratrat din ng mga awtoridad na nagresulta sa pagbulagta nito.

Sangkot umano ang napatay na suspek sa gun-for-hire activity bukod pa sa pagiging tulak nito.

Narekober sa lugar ng insidente ang ilang sachet ng shabu at marked money.