Nagbuwis ng buhay ang isang tulak matapos manlaban sa aarestong awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa nang gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasawing suspek na si Jayson Udal, nasa hustong gulang, kabilang sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ng Brgy. Bagong Buhay, ng naturang lungsod.

Ikinasa ang operasyon laban kay Udal bandang alas-11:55 nang gabi noong Sabado, ngunit habang isinasagawa ang transaksiyon nakatunog umano ito na pulis ang kanyang kaharap.

Tumakbo umano sa loob ng kanyang bahay ang suspek, kumuha ng baril at pinaputukan ang awtoridad ngunit nagresulta sa kanyang kamatayan.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre .38 revolver, tatlong bala, apat na pakete ng shabu at buy-bust money.