“Gusto kong magbago. Saka gusto ko pang mabuhay kasi may mga anak ako. May apo na ako.”
Ito ang madamdaming pahayag ni Tony Pit, isa sa sinasabing tauhan sa iligal na operasyon ng hinihinalang Leyte drug lord na si Kerwin Espinosa, makaraang sumuko kahapon sa pulisya ng Albuera Police.
Sa pagsuko ni Alyas ‘Tony Pit’, ay isinuko rin nito ang hindi lisensyadong 9-mm na baril.
Inamin nito na malaki ang kanyang kinikita dahil sa iligal na droga pero aminado rin ito na nahihirapan siya sa patuloy na pagtatago kaya nagpasya na itong lumantad sa pulisya.
Samantala, patuloy pa ang imbestigasyon sa nasabing sumuko.