Dahil sa sobrang pagkabangag sa iligal na droga ay nag-‘singing mode’ ang isang drug pusher habang ikinukulong sa Baybay City, Leyte.
Kung anu-anong kanta ang namutawi sa bibig ng dinakip na si Joseph Albarico Balili, habang nasa loob ng kanyang selda na wala pang suot na t-shirt.
Ayon sa pulisya, nawala sa sarili dahil sa sobrang droga ang suspek na sinasabing tinaguriang kilabot na drug pusher sa nasabing lungsod.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa suspek.