Isa pang shabu pusher ang napatay habang apat na iba pa ang nadakip nang mahuli sa aktong bumabatak ng droga sa loob ng bahay ng una na ginawang drug den makaraang makahalata ang tulak na pulis ang kanyang katransaksyon sa buy-bust operation sa San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa.
Kinilala ni P/Supt. Wilson Magpali, OIC ng San Jose del Monte City PNP, ang suspek na si Orlando Cabrera y Locarga, kabilang sa drug watchlist at nakatira sa Brgy. Fatima 3, San Jose del Monte City na nagtamo ng tama ng bala sa katawan na ikinasawi nito matapos manlaban sa awtoridad at makumpiskahan ng isang improvised handgun na binalahan ng caliber .38 revolver.
Nahuli naman sa akto habang nagsasagawa ng pot session sa bahay ng napatay na si Cabrera sina Rowena Pait, 51, may-asawa; Samuel Mundo alias Bingo, 26, kapwa ng San Vicente St. Brgy, Fatima 3, Leonardo Francisco, 51, ng 3rd Avenue, Brgy. Fatima IV at Reo Cruz, 45, drayber ng San Sebastian St., Brgy. Fatima IV, pawang ng San Jose del Monte City, Bulacan.