Isang drug user na kalaunan ay nagtulak na ng shabu at naipasok na sa rehabilitation center ng kanyang misis sa pag-aakalang magbabago na ang napatay makaraang manlaban sa operatiba ng pulisya nang makatunog na parak ang kanyang katransaksyon sa droga sa San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ro­nald Damasco, residente sa nasabing lungsod na namatay noon din sa pinangyarihan ng eng­kwentro bunga ng tama ng bala sa katawan at makumpiskahan ng isang baril at ilang pakete ng shabu makaraang man­laban sa awtoridad sa ikinasang drug operation.