Tulak sa Davao tumimbuwang

dead-body

Binoga sa tiyan at ulo ang diumano’y isang tulak ng ipinagbabawal na gamot sa Davao City.

Kinilala ang napatay na si Romeo Duazo Obang, 48-an­yos, binata, nakatira sa Davao City. Bago ang insidente ay inabisuhan umano si Obang ng katipan sa pamamagitan ng text message na umuwi ng bahay. Pagdating ng biktima sa bahay ay wala ang babae at hindi nagtagal ay duma­ting ang mga nagsagawa ng buy bust operation.

Sa loob mismo ng bahay kamakalawa, Hulyo 22, 2016 nabaril ang diumano’y tulak.

Tinangka umanong bumunot ng baril ng nabanggit na tulak ng maramdamang pulis ang kanyang katransaksyon kaya mabilis ding umaksyon ang pulis na nagsagawa ng buy bust operation.

Na recover ang sampung pakete ng hinihinalang shabu sa scene of the crime.