Tulak timbog sa Maynila

Nasakote ng mga elemento ng Manila Police District-Police Station 1 ang number 2 high value individual (HVI) ng mga personalidad na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga, sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Nasamsam pa sa suspek na si Enrico Bucad, 23, ang walong sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana na may street value na P2,600.

Ayon imbestigador na si P/Cpl. James Van Pebenito, alas-nuebe ng gabi nang damputin si Bucad sa harap ng Building 16 sa Permanent Housing sa Brgy.128-Zone 10 sa Tondo.

Nagsagawa umano ang pulisya ng anti-illegal drug campaign sa lugar nang mamataan si Bucad.

Nabatid na si Bucad ay kabilang sa top 10 HIVI list ng pulisya sa lugar, kaugnay sa pagbebenta ng iligal na droga.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek sa Manila Prosecutor’s Office. (Juliet de Loza-Cudia)