Tulak todas sa Bulacan drug-bust

Isang shabu pusher na may nakabinbin na kasong robbery at child abuse sa Malolos Regional Trial Court ang napatay nang manlaban sa drug buy-bust operation sa Barangay Palapat, Hagonoy, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na pusher na si Honorio Juliano y Aguilar alyas ‘Tebat’, nasa hustong gulang ng Sityo Sucol, Barangay San Sebastian, Hagonoy.

Nakuha rin dito ang isang Armscor caliber .38 revolver na may isa pang bala at apat na pakete ng shabu.

Kasalukuyang ipinapasailalim sa buy-bust operation ng Hagonoy PNP ang suspek nang mahalata nitong pulis ang kanyang binebentahan ng droga.

Kasunod nito’y nanlaban at pinaputukan ng baril ang poseur-buyer na naging sanhi ng maikling putukan na ikinasawi ng suspek.